PCA, pinaigting ang pakikipagtulungan sa grupo ng mga magniniyog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinaigting ng Philippine Coconut Authority ang kooperasyon nito at suporta para sa mga grupo ng magniniyog sa bansa.

Kasunod ito ng paglagda sa isang memorandum of understanding ng PCA sa pangunguna ni Administrator Bernie Cruz sa Confederation of Coconut Farmers Organizations of the Philippines (CCFOP-CONFED) at Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM).

Sa ilalim ng kasunduan, kapwa isusulong ang pagpapalawak ng mga programa at polisiya para mapalago pa ang industriya ng pagniniyog at manatiling nangunguna ang Pilipinas bilang coconut-producing country.

Kasama rito ang malawakang pagtatanim ng niyog alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagtanim ng 100 milyong puno bago matapos ang kanyang termino.

Ayon kay PCA Admin. Bernie Cruz, tutulungan nito ang mga magsasaka na makapagtanim ng mga bagong uri ng niyog na mas doble ang bunga.

Bukod dito, tutulungan rin ang mga itong magproseso ng iba’t ibang coconut products na in-demand ngayon sa pandaigdigang merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us