Scam prevention education sa mga senior high school students, isinusulong ni Senador Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapanukala ni Senador Mark Villar na isama sa curriculum ng mga senior high school students ang scam prevention education.

Sa ilalim ng senate bill 2338 ni Villar, layong idagdag sa itinuturo sa lahat ng private at public senior high school ang pag-aaral tungkol sa mga naglipanang scam at kung paanong makakaiwas dito.

Nakasaad sa panukala na isa ang cybercrime sa mga nangungunang banta sa mga pilipino dahil na rin sa paglaganap ng paggamit ng online platforms na pangunahin na ring ginagamit sa panloloko.

Pinapanukala ng Scam Prevention Education bill ni villar na ituro sa mga senior high school students ang iba’t ibang paraan ng scam na naglipana at ang pagdevelop ng critical thinking skills ng mga kabataan para agad na matukoy kung ano ang scam nang maprotektahan ang kanilangI sarili.

imamandato rin nito ang Department of Education (DepEd) sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communicatons Technology (DICT), Philippine national Police (PNP), National Bureau of investigation (NBI) at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno an bumuo at magpatupad ng Scam Prevention Education Program na siyang ituturo sa lahat ng senior high school.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us