Pinalawig pa hanggang Setyembre 8 ang aplikasyon para sa scholarship program ng pamahalaang lungsod ng Quezon.
Ito’y upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga aplikante na makumpleto ang kanilang documentary requirements.
Para maka-avail ng scholarship program, kailangan ng mga aplikanteng isumite sa QC e-services ang mga requirements tulad ng e-Copy ng QCitizen ID, proof of school enrollment/registration/acceptance at e-copy ng grades o transcript of records ng mga nagdaang taon o semestre.
Taon-taon, ang Quezon City government ay nagbibigqy ng scholarships sa mga karapat-dapat na estudyante.
Kasama sa pinalawak na scholarship program ang mga atleta, artista, at mga mag-aaral ng kursong bokasyonal sa existing roster ng senior high school, tertiary, at post-graduate.
Para maging kuwalipikado, kailangang residente ng lungsod Quezon ang aplikante at nagtapos sa pribado o pampublikong paaralan. | ulat ni Rey Ferrer