Business sector, umaasa sa mas magandang takbo ng ekonomiya sa pagpasok ng ‘ber’ months

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na mas lalago ang ekonomiya ng bansa sa pagpasok ng ‘ber’ months.

Sa pandesal forum, sinabi ni FFCCCII Pres. Dr. Cecilio Pedro na bagamat maraming global factors ang nakakaapekto ngayon sa bansa, malaki pa rin ang potensyal ng economic growth lalo’t patok ang mahabang selebrasyon ng christmas season sa bansa.

Paliwanag nito, ngayong pumasok na ang ‘ber’ months, inaasahang mas dadami na ang economic activities at mas maraming Pilipino rin ang gagastos, bagay na magdadala ng mas magandang kita sa mga negosyo at mas maraming oportunidad.

Gayunman, kailangan aniyang magdoble kayod ang pamahalaan at makipagtulungan sa pribadong sektor para mas mahikayat ang mga mamumuhunan sa bansa.

Mungkahi nito, tutukan ang infrastracture development kasama rito ang internet at power generation at patuloy na itulak ang ease of doing business para mas maging kaakit akit sa investors ang bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us