Validity ng mga lisensya, posibleng mapalawig kung magtutuloy-tuloy ang injuction sa pag-imprenta at pamamahagi nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay pa ng Land Transportation Office ang desisyon ng Quezon City Court patungkol sa ipinataw nitong Temporary Restraining Order o TRO para sa paggawad sa LTO ng 5.2 million plastic cards mula sa bidder na Banner PlastiCard.

Sa pagasalang ng panukalang P214 billion 2024 budget ng Department of Transportation sa deliberasyon ng komite, natanong ang LTO kung ano na ang plano nito para maresolba ang backlog sa lisensya.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, sa Miyerkules (September 6) ay malalaman kung babawiin ang TRO o itutuloy ang injunction.

Sakali naman magtuloy-tuloy, plano aniya nilang palawigin ang validity ng driver’s license gayundin ang paggawad ng e-licenses.

Hanggang noong Hulyo, nasa 1.7 million na ang backlog sa lisensya.

Pagdating naman sa backlog sa plaka, sinabi ni Mendoza na makakayanan na nila itong ma-resolba sa susunod na taon.

32,000 na plaka kada araw o 700,000 kada buwan na aniya ang kanilang naiimprenta.

Katumbas ito ng 250,000 na pares ng plaka kada buwan para sa mga motor vehicle at isang milyon para sa motorsiklo.

Nasa 179,000 na backlog sa motor vehicle plates at 13.2 million sa motorsiklo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us