BIR Road at Agham Road sa Quezon City, opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue

Opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ang BIR Road at Agham Road sa Quezon City. Isang simpleng seremonya ang ginanap sa Agham Road ngayong umaga para sa renaming ng Agham at BIR Road. Ang aktibidad ay pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte at dinaluhan ni Vice President Sara Duterte, Narciso Santiago, ang asawa… Continue reading BIR Road at Agham Road sa Quezon City, opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue

DOT Chief, nanawagan sa Filipino Community sa London para sa pagtaguyod ng turismo ng Pilipinas

Sa pagbisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa London para sa Ministers’ Summit 2023 sa World Travel Market, nanawagan ang DOT Chief sa Filipino community doon na maging tagapagtaguyod ng turismo para sa Pilipinas. Ipinahayag ni Secretary Frasco ang kagustuhan nitong makilahok ang mga Pilipinong nasa ibang bansa para sa pag-inspire… Continue reading DOT Chief, nanawagan sa Filipino Community sa London para sa pagtaguyod ng turismo ng Pilipinas

DA, binigyan ng babala ang mga nagbebenta ng “hazardous” frozen meat sa mga wet market

Nagbabala na ang Department of Agriculture (DA) sa mga negosyanteng nagbebenta ng frozen meat sa mga wet market. Ang babala ay ginawa ni DA Usec Deogracias Victor Savellano, dahil magdudulot lang daw ng peligro sa kalusugan ng tao ang frozen meat dahil sa kawalan ng refrigeration facilities at kakulangan ng kaalaman ng mga vendor sa… Continue reading DA, binigyan ng babala ang mga nagbebenta ng “hazardous” frozen meat sa mga wet market

Kauna-unahang Cashless Expo, ilulunsad sa bansa

Sa kauna-unahang pagkakataon nagsanib pwersa ang mga ahensya ng pamahalaan para sa pagsusulong ng “cashless” o digital transaction sa bansa. Sa nalalapit na Cashless Expo 2023, na gaganapin mula November 17 – 19, 2023, binuksan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para itulak ang… Continue reading Kauna-unahang Cashless Expo, ilulunsad sa bansa

PCG, nagpasalamat sa suporta ni Pangulong Marcos Jr. para sa mga barkong pangdepensa ng Pilipinas

Ipinahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pasasalamat nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuporta sa ₱29.3-bilyong budget para sa limang multi-role response vessels nito na magpapalakas ng national defense ng bansa. Sa isinagawang National Economic and Development Authority (NEDA) Board meeting na pinamunuan ng Pangulo nitong linggo, nabigyang suporta ng chief executive… Continue reading PCG, nagpasalamat sa suporta ni Pangulong Marcos Jr. para sa mga barkong pangdepensa ng Pilipinas

Environmental group na BAN Toxics, pinag-iingat ang publiko sa mga ibinebentang toxic firecrackers

Ngayong nalalapit na ang holiday season, pinayuhan ng toxic watchdog group BAN Toxics ang publiko na iwasan ang pagbili ng toxic firecrackers. Batay sa kanilang monitoring, talamak na ang bentahan ng firecrackers na nagtataglay ng kemikal na panganib sa kalusugan ng tao at kapaligiran. Sinabi ni Thony Dizon, Toxics Campaigner,ilan lang sa mga makikitang ibenebenta… Continue reading Environmental group na BAN Toxics, pinag-iingat ang publiko sa mga ibinebentang toxic firecrackers

DSWD, naghanda na ng relief goods para sa mga lalawigan na naapektuhan ng easterlies

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda itong magbigay ng tulong at resource augmentation sa local government units at komunidad na sinalanta ng mga pagbaha dahil sa epekto ng easterlies. Katunayan, may ginagawa nang pakikipag-ugnayan ang DSWD sa lahat ng local government units na nakararanas ng pagbaha simula noong Nobyembre 7.… Continue reading DSWD, naghanda na ng relief goods para sa mga lalawigan na naapektuhan ng easterlies

DOH, nagbabala sa pekeng Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya

Sa isang Facebook post, nagpahayag ang Department of Health (DOH) ng babala sa publiko hinggil sa isang Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya. Ayon sa DOH, ginagamit ng FB page na “DOH Hotnews” ang kaparehong pangalan at logo upang gayahin ang departamento. Ang nasabing page, diin ng DOH, ay peke, at hindi sa… Continue reading DOH, nagbabala sa pekeng Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya

Mga bagong SK official ng Pasig City, sumailalim na sa mandatory training

Tapos nang sumailalim sa Mandatory Training ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Officials ng lungsod ng Pasig. Ginawang dalawang batch ang training na pinasimulan noong Biyernes, Nobyembre 9 at natapos kahapon, Nobyembre 10. Binubuo ng tatlong modules na may kabuuang limang sessions ang Mandatory Training para sa SK Officials, ito ay ang Decentralization and… Continue reading Mga bagong SK official ng Pasig City, sumailalim na sa mandatory training

Planong destabilisasyon sa Administrasyon, itinanggi ng mga retiradong heneral ng Militar at Pulisya

Nilinaw ng ilang retiradong heneral ng Militar at Pulisya na patuloy nilang sususportahan ang liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito’y makaraang itanggi ng mga ito na may niluluto umanong destabilisasyon o tangkang pabagsakin ang administrasyon. Para kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dati ring heneral ng Philippine National Police, hindi magandang pag-usapan… Continue reading Planong destabilisasyon sa Administrasyon, itinanggi ng mga retiradong heneral ng Militar at Pulisya