50 sundalo, pinarangalan ng VISCOM sa kanilang tagumpay sa Negros Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) Commander Lt. Gen. Benedict Arevalo ang paggawad ng parangal sa 50 sundalo para sa kanilang tagumpay sa peace initiatives sa Negros Island.

Ang awarding ceremony ay isinagawa sa headquarters ng 303rd Infantry Brigade sa Camp Gerona, Murcia, Negros Occidental.

Ang 50 awardee ay binubuo ng 18 opisyal at 32 Enlisted Personnel mula sa 303rd Infantry Brigade; 94th Infantry Battalion; 79th Infantry Battalion; at 15th Infantry Battalion.

Sa bilang na ito, 13 ang ginawaran ng Gold Cross Medal (GCM) dahil sa kanilang “gallantry in combat” sa pakikipaglaban sa CPP-NPA; 13 ang pinagkalooban ng Silver Cross Medal (SCM); at 14 nakatanggap ng Military Merit Medal (MMM) with Bronze Spearhead Device.

5 personnel naman ang nakatanggap ng Parangal sa Kapanalig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (PKSLP) Medal at Ribbon para sa kanilang suporta sa civil-military operations ng VISCOM.

Habang 5 pang personnel, kabilang si 303rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Orlando D Edralin, ang pinagkalooban ng Gawad Sa Kaunlaran (GSK) Medal dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa peace initiatives ng VISCOM. | ulat ni Leo Sarne

📷: VISCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us