Bilang ng mga dumalaw sa anim na sementeryo sa Quezon City, pumalo na sa higit 108k ayon sa QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hanggang ngayong gabi, pumalo na sa 108,746 ang bilang ng mga taong bumisita sa anim na sementeryo sa lungsod Quezon ngayong Undas.

Batay sa QCPD Undas Monitoring, pinakamaraming bumisita ay naitala sa Holy Cross Memorial Park na mayroong 56,278, sinundan ng Bagbag Cemetery – 33,480, Novaliches Cemetery – 10,628, Himlayang Pilipino – 7,000, Requerdo Cemetery – 1,000 at Eternal Garden Cemetery na mayroong 360.

Sa pangkalahatan, naging maayos at payapa ang mga aktibidad sa mga nabanggit na sementeryo. | via Rey Ferrer