Nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at 25 service providers na magtulungan para sa mga mahihirap na mamamayan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tiniyak ng mga service provider na mga hospital at pharmaceutical firm na tatanggapin at kilalanin ang lahat ng guarantee letters (GLs) mula sa DSWD.
Alinsunod sa nilagdaang Memorandum of Agreement, pagkakalooban ng medical services, mga gamot ang benepisyaryo na binigyan ng guarantee letter ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
Ang kasunduan ay bahagi ng pagsisikap ng DSWD na palawakin ang mga serbisyo nito sa mga individual in crisis situation. | ulat ni Rey Ferrer