Aabot na sa 94.1% ang progress ng kasalukuyang kontruksiyon para sa LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project ngayong third quarter ng taon ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Ang 6.7-kilometer LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project ay kinabibilangan ng limang bagong istasyon na kasama ang Redemptorist Station na nasa 86.3% completion na, habang ang MIA Station na pinakamalapit sa airport ay nasa 86.9% ng tapos. Ang Asia World Station, na konektado sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ay nasa 72.9%. Ang Ninoy Aquino Station na nasa 81.5%, at ang Dr. Santos Station, ang huling istasyon para sa first phase ng proyekto, ay may 90.5% completion na, kasama na riyan ang terminal ng bus, sports facility, at koneksyon malapit na SM City Sucat.
Umaasa naman si LRMC President and CEO Juan F. Alfonso, sa pagsisimula ng commercial operation ng LRT-1 Extension sa loob ng isang taon kung saan maipapamalas ang modern railway experiences na may mga pasilidad na world-class, safety standards, at PWD-friendly na mga pasilidad.
Sa gitna naman ng kontruksiyon, siniguro ng LRMC na prayoridad nito ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa na ipinapakita ng higit sa 350,000 safe man-hours na kanilang naitala para sa buwan ng Septyembre. | ulat ni EJ Lazaro