Mataas na tiwala at kumpiyansa ng publiko sa pulisya, iiwang legasiya ni PNP Chief, Benjamin Acorda Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nagsimula ang pamamaalam ni Philippine National Police o PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. sa serbisyo, 21 araw bago ang kaniyang pormal na pagreretiro sa Disyembre 3.

Kanina, sinimulan ni Acorda ang pamamaalam bilang ika-27 pinuno ng Pambansang Pulisya sa kaniyang “Alma Mater” ang Philippine Military Academy o PMA sa Baguio City.

Dito, nagpasalamat si Acorda sa akademiyang humubog sa kaniya ng 37 taon bilang miyembro ng unipormadong hanay.

Sa kaniyang pagreretiro, sinabi ng PNP Chief na kaniyang iiwanan ang PNP na pinagkakatiwalaan ng publiko dahil sa mataas na trust at approval ratings.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng kaniyang mga nakasama sa trabaho at binilinan ang mga Pulis na panatilihin ang kumpiyansa sa kanila ng taumbayan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us