Hindi pa nakakausap ni Sen. Imee Marcos ang kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng nagiging isyu ngayon sa pagitan ng Kamara at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos, wala pa siyang pagkakataon na makipagdayalogo sa kanyang pinsan.
Una nang nagpahayag ng suporta si Sen. Imee para kay dating Pangulong Duterte sa gitna ng mga isyung kinakaharap nito sa ngayon.
Samantala, hindi naniniwala ang mambabatas sa namumuo umanong kudeta sa unipormadong hanay laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Gayunpaman, aminado ang senadora na may mga problema pa sa sandatahang lakas na kailangang tugunan kabilang na ang isyu sa magiging pensyon ng mga magreretirong sundalo.
Kailangan aniyang paglaanan ito ng pondo ng gobyerno at tuparin ang pangako sa kanila.
Pinunto rin ni Sen. Imee na dapat patuloy na pag-aralan at rebyuhin ang batas tungkol sa promotion ng mga sundalo.
Gayundin ang pagbibigay ng kailangang gamit ng sandatahang lakas gaya ng mga drone, missle, at fighter jet na naaayon sa banta ng foreign agression na kinakaharap ngayon ng Pilipinas.| ulat ni Nimfa Asuncion