Tatlong Chinese nationals, naaresto sa pangingidnap ng kapwa Chinese sa Biñan, Laguna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang tatlong Chinese nationals na naaresto matapos dukutin ang kapwa Chinese sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa pabatid ng Laguna Police Provincial Office, kinilala ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Harold Depositar ang mga naarestong sina Alyas Tan ng Sta. Cruz Manila, alyas Hui at alyas Yang.

Ayon sa ulat ng LPPO, dinukot ng tatlong suspek ang isang alyas Shoroming, 29 anyos at residente ng Sta. Cruz Manila nitong Oct 30.

Nanghihingi ng ransom money na P1-million at BMW na sasakyan ang mga suspek.

Nagawa namang makatakas ng biktima kaya’t nakahingi ng tulong sa Biñan Police Station.

Narekober sa hot pursuit operation ang isang kalibre 22 revolber na may 5 bala at 35 piraso ng bala ng kalibre 45 kasabay ng pagkakaaresto sa tatlo.

Nahaharap sa kasong kidnapping, extortion, grave coercion at paglabag sa RA 10591 o Illegal Posession of Firearms ang tatlong suspek. | ulat ni Mae Formaran | RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us