Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy, makakalaya na ngayong araw mula sa pagkakadetine sa Kamara

Unanimous ang naging desisyon ng House Committee on Legislative Franchises na pakawalan na sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy mula sa pagkakadetine, matapos ma-cite in contempt. Ito ang inanunsyo ni Paranaque Rep. Gus Tambunting, chair ng Komite matapos ang ipinatawag na pulong. Aniya for humanitarian considerations ang dahilan ng kanilang desisyon para palayain ang dalawa.… Continue reading Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy, makakalaya na ngayong araw mula sa pagkakadetine sa Kamara

Pagtaas ng interest rate hike, nakatulong para maibaba ang inflation rate ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas

Ipinagmalaki ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. na dahil sa tamang monetary policy kaya naibaba ang inflation rate ng bansa ng 4.1% mula sa 8.7% noong nakaraan 8.7%. Ayon kay Remolona bentahe ng Pilipinas na naitatag ang inflation targeting framework kaya naka-angkla dito ang inflation expectation ng bansa. Ipinunto ng BSP governor… Continue reading Pagtaas ng interest rate hike, nakatulong para maibaba ang inflation rate ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas

‘Bagong Konstitusyon ng Bagong Pilipinas,’ itutulak ng Kamara sa susunod na taon

Target ng Kamara na masimulan ang pagtalakay sa amyenda sa Saligang Batas sa susunod na taon. Una nang sinabi ni Speaker Martin Romualdez sa ginanap na economic briefing sa Iloilo nitong Lunes na dahil tapos na halos ng Kamara ang LEDAC priority measures ay mas may oras na sila para talakayin ang charter change. Ngayong… Continue reading ‘Bagong Konstitusyon ng Bagong Pilipinas,’ itutulak ng Kamara sa susunod na taon

Sunog na sumiklab sa Municipal Trial Court at government building sa bayan ng Minglanilla, Cebu kumpirmadong sinadya

Ito ang kinumpirma ni Minglanilla Mayor Rajiv Enad sa isang pahayag matapos ang isinagawang emergency meeting kasama ang lahat ng departamento ng local government unit maging ng apektadong national government agencies at law enforcement agencies. Ayon sa alkalde, sinadyang sunugin ang Municipal Trial Court na nasa ikalawang palapag ng lumang gusali ng LGU Minglanilla. Isang… Continue reading Sunog na sumiklab sa Municipal Trial Court at government building sa bayan ng Minglanilla, Cebu kumpirmadong sinadya

DA, namahagi ng dagdag pang makinarya sa mga magsasaka sa Nueva Ecija

Muling namahagi ng mga makinarya ang Department of Agriculture (DA) sa mga kwalipikadong Farmers’ Cooperative and Association sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), nabigyan ng 125 units ng makinarya ang mga magsasaka sa nabanggit na lalawigan. Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagturn-over… Continue reading DA, namahagi ng dagdag pang makinarya sa mga magsasaka sa Nueva Ecija

Pinalawak na rice subsidy program para sa mga Pilipino, pasok sa 2024 National Budget

Pasok sa 2024 National Budget ang pampondo para sa buwanang rice subsidy na ikakasa ng Marcos Jr. Administration. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ito ay recalibrated na Cash and Rice Distribution (CARD) Program upang mas maraming Pilipino ang makinabang. Aniya, kasama sa P5.768 trillion 2024 budget ang pampondo para sa “Bagong Pilipinas CARD” para… Continue reading Pinalawak na rice subsidy program para sa mga Pilipino, pasok sa 2024 National Budget

Kampanya vs. sexual harassment sa lugar ng trabaho, kailangan pang palakasin ng mga gov’t agency – CSC

Inatasan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensya ng gobyerno na paigtingin ang kampanya laban sa sexual harassment sa lugar ng trabaho. Alinsunod ito sa pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women mula Nobyembre 25 hanggang ngayong Disyembre 12, 2023. Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles, na 22.8% ng mga empleyado sa… Continue reading Kampanya vs. sexual harassment sa lugar ng trabaho, kailangan pang palakasin ng mga gov’t agency – CSC

Person of interest sa nangyaring pamamaril sa Victory Liner bus sa Nueva Ecija, kinasuhan na

Pormal nang kinasuhan ng Nueva Ecija Provincial Police Office ang apat na suspek sa madugong pagpatay sa dalawang indibidwal na sakay ng Victory Liner Bus sa Nueva Ecija, halos isang buwan na ang nakalilipas. Ito ang inihayag ni Nueva Ecija PNP Director, Police Colonel Richard Caballero sa isang pulong balitaan sa Kampo Julian Olivas, San… Continue reading Person of interest sa nangyaring pamamaril sa Victory Liner bus sa Nueva Ecija, kinasuhan na

Panibagong floating barrier na iniligay ng China sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal, tinanggal ng mga pwersa ng gobyerno

Tinanggal ng mga pwersa ng gobyerno ang mga floating barrier na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc at Ayungin shoal nitong weekend. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kasabay ng paghikayat sa mga lokal na mangingisda na huwag matakot magtungo sa naturang mga… Continue reading Panibagong floating barrier na iniligay ng China sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal, tinanggal ng mga pwersa ng gobyerno

OCD Caraga, ibinahagi ang non-food items sa mga pamilyang naapektuhan sa magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Surigao del Sur

Ibinahagi ng Office of Civil Defense Caraga ang mga non-food items para sa mga pamilyang naapektuhan sa magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Surigao del Sur. Nakatanggap ng relief assistance ng OCD Caraga ang mga munisipalidad ng Hinatuan, Cagwait, Tagbina, at Lianga. Kabilang sa ibinahagi na non-food items ay ang family packs, hygiene kits,… Continue reading OCD Caraga, ibinahagi ang non-food items sa mga pamilyang naapektuhan sa magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Surigao del Sur