Chinese Ambassador to the Philippines, dapat nang pabalikin sa China — Deputy Majority Leader Tulfo

Dumagdag si Deputy Majority Leader at ACT CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa mga nananawagan na pabalikin na lang ng China ang kanilang ambassador dito sa sa Pilipinas. Aniya, hindi na nito epektibong nagagampanan ang kaniyang trabaho na maging representante ng kanilang bansa para magkaroon ng maayos na ugnayan ang Pilipinas at China. Bunsod pa… Continue reading Chinese Ambassador to the Philippines, dapat nang pabalikin sa China — Deputy Majority Leader Tulfo

Regularisasyon ng mga lupon, health workers, iba pang barangay workers, isinusulong ng dilg

Itinutulak ng Department of the Interior and Local Government ang regularisasyon ng ilang mga manggagawa sa barangay kabilang anghealth workers, miyembro ng lupon tagapamayapa, at barangay tanods. Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., suportado nito ang ipinapanukalang Magna Carta for Barangay sa Kongreso na nagsusulong ng benepisyo at incentive sa mga manggagawa sa barangay.… Continue reading Regularisasyon ng mga lupon, health workers, iba pang barangay workers, isinusulong ng dilg

Ilang pasahero sa QC, umaasang di maapektuhan ng nakaambang transport strike

Aminado ang ilang pasahero sa Quezon City na nag-aalala sila sa posibleng hassle sa biyahe na idudulot ng ibinabalang transport strike ng grupong PISTON. Ito’y matapos ianunsyo ng PISTON na muli itong magtitigil-pasada sa darating na Huwebes, Decrmber 14-15 bilang pagtutol pa rin sa deadline ng mandatory franchise consolidation na bahagi ng PUV Modernization sa… Continue reading Ilang pasahero sa QC, umaasang di maapektuhan ng nakaambang transport strike

Mga guro at mga estudyante sa MSU-Marawi, nagkaisang nagsagawa ng Peace Walk

Pinangunahan ng Supreme Student Government (SSG) ng Mindanao State University – Marawi ang Peace Walk kahapon, December 11 kasama ang mga studyante at mga guro sa iba’t ibang kolehiyo ng unibersidad para ipakita ang pagkakaisa at isigaw ang hustisya para sa mga nasawi sa bombing incident sa loob ng Dimaporo Gymnasium noong December 3. Ang… Continue reading Mga guro at mga estudyante sa MSU-Marawi, nagkaisang nagsagawa ng Peace Walk

Self-Reliant Defense Posture Bill, aprubado na sa Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong i-develop ang defense industry ng Pilipinas at palakasin ang lokal na produksyon ng mga armas at iba pang kagamitan ng Sandatahang Lakas. Sa botong 20 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, inaprubahan na ng Mataas na Kapulungan ng… Continue reading Self-Reliant Defense Posture Bill, aprubado na sa Senado

Alegasyon ng human trafficking sa religious group ni Pastor Apollo Quiboloy, pinaiimbestigahan sa Senado

Naghain si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon na layong imbestigahan ang diumanoy human trafficking at sexual abuse sa religious group na Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy. Sa inihaing Senate Resolution 884 ni Hontiveros, hinihiling sa nararapat na komite ng Senado na magsagawa ng Senate Inquiry in Aid of Legislation… Continue reading Alegasyon ng human trafficking sa religious group ni Pastor Apollo Quiboloy, pinaiimbestigahan sa Senado

169 opisyal nagtapos sa Command and General Staff Course ng AFP

Matagumpay na nakumpleto ng 169 na opisyal ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Command and General Staff Course (CGSC) sa pangangasiwa ng AFP Training and Doctrine Command. Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang graduation ceremony ng CGSC Class 73 sa Camp Aguinaldo kahapon. Ang 169 na miymebro ng CGSC… Continue reading 169 opisyal nagtapos sa Command and General Staff Course ng AFP

Incoming at outgoing Australian Defense Attaché, nag-courtesy call sa Phil. Army Chief

Malugod ng tinanggap ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang pagbisita kahapon sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio ng outgoing Australian Defense Attaché Colonel Paul Joseph Barta at ang kanyang magiging kapalit na si Royal Australian Navy Captain Emma McDonald-Kerr. Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ni Lt. Gen. Galido at ng dalawang opisyal ng… Continue reading Incoming at outgoing Australian Defense Attaché, nag-courtesy call sa Phil. Army Chief

Mahigit ₱1.2-B pondo ng Office of the Vice President, inilaan para sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga mahihirap na Pilipino — VP Sara

Nagpaliwanag si Vice President at Education Secretary Sara Duterte kung saan ginastos ng kaniyang tanggapan ang mahigit ₱1.2-bilyong pisong pondo nito. Tugon ito ng Pangalawang Pangulo sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) kung saan aabot sa mahigit ₱600,000 halaga ng mga binili para sa satelitte office ng OVP ang nakitaan ng paglabag… Continue reading Mahigit ₱1.2-B pondo ng Office of the Vice President, inilaan para sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga mahihirap na Pilipino — VP Sara

DND, dumistansya sa mungkahing ideklarang ‘persona non grata’ ang Chinese ambassador sa Pilipinas

Ipinauubaya na ng Department of National Defense (DND) sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapasya hinggil sa mungkahing ideklarang “persona non grata” si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng pagtataboy ng China Coast Guard sa mga barko ng… Continue reading DND, dumistansya sa mungkahing ideklarang ‘persona non grata’ ang Chinese ambassador sa Pilipinas