Patuloy pa rin sa pagbabawas ng tubig ang Angat Dam at Ipo Dam sa Bulacan dahil sa mga pag-ulan sa reservoir nitong mga nakalipas na araw.
Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay nasa 212.79 meters pa rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam na lagpas pa rin sa normal high level ng dam na nasa 212 meters.
Kaya naman mula sa dalawang spillway gate ay iniakyat pa sa tatlong gate ang binuksan sa Angat Dam na may opening na 1.5 meters.
Wala namang pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo Dam na nananatili sa 100.74 meters.
Dalawang gate nito ang nakabukas ngayon na may opening na isang metro.
Samantala, bahagya lang nadagdagan ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa