Ibinahagi ng Office of Civil Defense Caraga ang mga non-food items para sa mga pamilyang naapektuhan sa magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Surigao del Sur.
Nakatanggap ng relief assistance ng OCD Caraga ang mga munisipalidad ng Hinatuan, Cagwait, Tagbina, at Lianga.
Kabilang sa ibinahagi na non-food items ay ang family packs, hygiene kits, sakoline, at shelter repair kits.
Sa ngayon ay nananatili pa sa red alert status ang Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para sa agarang pagresponde sa mga pangangailangan ng mga pamilyang naapekuhan sa lindol. | ulat ni Jezreel Sudario | RP1 Butuan