Itinaas ng Moody’s Analytics ang growth projection nito sa Pilipinas sa 5.8 percent mula sa 5.4%, na kanilang inilabas noong Enero.
Ayon sa Moody’s, nagpakita ng malakas na demand ang electronic sector na magtutulak ng paglago sa export sa Asia Pacific Economies.
Inaasahang third-fastest performing economy ang Pilipinas sa rehiyon kasunod ng India, Vietnam, China at Indonesia.
Bagaman mas mababa pa rin ito sa pagtaya ng economic managers na GDP growth na 6.5% to 7.5%, kinilala ng Moody’s ang “remarkable resilience” ng ekonomiya bunsod ng electronics export, strong domestic demand, at government spending and remittance.
Ang mataas na demand sa electronics at high performance chips ay kailangan sa tumataas na demand ng AI o artificial intelligence.
Dagdag pa nito, na kapag nagluwag ng monetary policy ang bangko sentral, inaasahang itutulak pa nito ang paglago at pagdagsa ng investment sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes