Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na maimbestigahan sa Senado ang napaulat na cynanide fishing ng mga dayuhang mangingisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough shoal, na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Sa inihaing Senate Resolution 938 ni Tolentino, pinapasilip na nararapat na komite ng senado ang napaulat na cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese fishermen sa Bajo de Masinloc, at ang malaking pinsalang idinulot nito sa yamang dagat ng ating bansa.
Pinunto ni Tolentino, na malinaw na paglabag sa batas ng Pilipinas gaya ng Philippine Fisheries code of 1998 ang cynanide fishing, at labag rin ito sa maraming international treaties at laws. | ulat ni Nimfa Asuncion