Pinuri ni Leyte Normal University President Dr. Evelyn Aguirre ang Presidential Communications Office (PCO) sa pagdadala nito ng kanilang “Campus Caravan” sa kanilang unibersidad.
Ang Campus Caravan ay aktibidad ng PCO na kung saan ay ibinibahagi ang kailangang kaalaman sa mga estudyante na may kinalaman sa information literacy upang labanan ang fake news at disinformation.

Ayon kay Dr. Aguirre, isang mabisang pamamaraan ang pagsasagawa ng PCO ng Campus Caravan para magsagawa ng awareness sa mga kabataan hinggil sa pagkalat ng fake news na talamak sa social media at iba pang platforms.
Napapanahon ayon sa presidente ng Leyte Normal University ang ganitong pagsasagawa ng community campus caravan lalo na’t kabi-kabila ang mga black propaganda na maaaring magmanipula sa murang kaisipan ng mga kabataan.

Highly appreciated, sabi ni Dr. Aguirre, ng kanilang unibersidad ang hakbang ng Presidential Communications Office upang madala sa mga mag-aaral ng Leyte Normal University ang Community Campus Caravan.
Ilan din sa naikutan ng PCO Campus Caravan ay ang Eastern Visayas State University. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: PCO
