Aabot sa ₱20 ang ibinaba sa presyo ng sibuyas gayundin ng iba pang mga gulay sa Agora Public Market sa San Juan City.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa ₱80/kilo ang pulang sibuyas mula sa dating ₱100/kilo habang ang puting sibuyas naman ay naglalaro sa ₱60 hanggang ₱70 ang kada kilo.
Bumaba rin ang presyo ng iba pang gulay gaya ng luya na ₱120/kg mula sa dating ₱150/kg, Talong na nasa ₱60/kg mula sa dating ₱80/kg, at Brocoli na nasa ₱160/kg mula sa dating ₱220/kg.
Samantala, napanatili naman ang presyo ng ilan pang gulay gaya ng:
Bawang – ₱140/kg
Kamatis – ₱130/kg
Carrots – ₱90/kg
Patatas – ₱120/kg
Repolyo – ₱60/kg
Pechay – ₱60/kg
Kalabasa – ₱50/kg
Sayote – ₱50/kg
Ang manok ay na nasa ₱180/kilo, baboy (laman) nasa ₱330/kg habang ang liempo ay nasa ₱380 kada kilo.
Pinakamataas pa rin ang baka na nasa ₱430/kilo. Sa isda, galunggong – ₱200/kg, bangus – ₱220/kg, tilapia – ₱120/kilo. | ulat ni Jaymark Dagala
