Nakalatag na ang security preparations ng Philippine National Police (PNP) para sa pagdiriwang ng People Power Anniversary sa Linggo, February 25.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, natukoy na nila ang mga lugar na inaasahang pagdarausan ng mga kilos protesta.
Sinabi ni Fajardo na 2,500 pulis ang ipakakalat ng Police Regional Office (PRO) 7 sa Cebu.
Dito naman aniya sa Metro Manila papalo sa halos 6,500 Police personnel ang kanilang ide-deploy sa identified na mga rally points.
Sisiguraduhin aniya ng mga pulis na mapayapa ang gagawing pagkilos at hindi makakaabala sa daloy ng trapiko.
Una na ring bibilinan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance upang malayang makapagpahayag ng saloobin ang lalahok sa mga rally. | ulat ni Leo Sarne