Inaabisuhan ang mga motorista na umiwas muna sa bahagi ng Dr. Sixto Antonio Avenue sa Pasig City ngayong araw.
Ito’y dahil sa nagpapatuloy na relokasyon ng poste ng Manila Electric Company o MERALCO partikular sa panulukan ng N. Espiritu na nagsimula pa alas-9 kagabi.
Bagaman bahagya nang binuksan kaninang ala-5 ng madaling araw ang bahagi ng naturang kalsada, nananatili pa ring mabagal ang usad ng mga sasayan lalo na sa lugar kung saan naroon ang pagawain.
Kaya naman pinayuhan ng Pasig LGU ang mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala