Kinuwestyon ng isang network ng digital advocates ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) dahil sa umano’y pag isnab sa kanilang reklamo laban sa Grab-owned motorcycle taxi firm na Move It.
Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, tila pinababayaan lamang ng LTFRB ang mga paglabag ng Move It at hindi inaaksyonan ang kanilang reklamo laban dito.
“LTFRB is putting the public’s safety in jeopardy by tolerating Move It’s accidents. Our complaint, which was sent last April 1, 2024, contained photos and videos of accidents involving Move It riders. Up to now, not even an acknowledgement of the complaint was made by the LTFRB” ayon kay Gustilo.
Inihalimbawa nito ang hindi pag-aksyon ng ahensya sa kinasasangkutang insidente ng rider at pagkasugat ng pasahero nito sa isang aksidente na nag viral sa social media kamakailan.
Isang insidente aniya ang naganap sa Cebu City na ikinamatay ng rider at pasahero.
Pinakahuli ay ang pakikipagpatintero ng rider ng Move it sa mga enforcer ng MMDA na huhuli sa kanya dahil sa pagpasok sa Edsa busway.
Una nang nanawagan ang Digital Pinoys sa MC Taxi technical working group na imbestigahan ang umano’y ‘lax training procedure’ ng Move It kaya madami ang nagiging pasaway na rider nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa