Naabot na ng Pilipinas ang 2 million tourist arrivals ngayong buwan ng Abril.
Ayon sa Department of Tourism, 94.21% ng kabuuang 2,010,522 international visitor arrivals ay pawang mga dayuhang turista habang nasa mahigit 5% naman ang mga balikbayan.
Kasabay nito ay inanunsyo din ng ahensya na pumalo na sa ₱157.62 bilyon ang kita ng bansa mula sa turismo sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon.
Ayon naman kay Tourism Sec. Christina Frasco, nakakatuwa na ang kanilang pagsisikap at pagtutulungan ay nagbubunga ng magagandang numero para sa industriya ng turismo.
Maganda rin aniya ang nakikita niyang trajectory ng tourist arrival ngayong taon at umaasa ang kalihim na sa mas maraming investment para sa turismo ay mas tataas pa ang nabanggit na mga numero.
Matatandaang target ng bansa ngayon ang 7.7 million visitors, halos katumbas na ng pre-pandemic record breaking arrivals noong 2019 na 8.26 million inbound arrivals. | ulat ni Lorenz Tanjoco