Irrigation development sa Mindanao, minamadali na ng NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng hamon ng El Niño phenomenon, patuloy ang pagsisikap ng National Irrigation Administration (NIA) na mapalawak ang irigasyon sa mas maraming magsasaka lalo na sa Mindanao.

Ayon sa NIA, kabilang sa commitment nito ang pagpapatupad ng ₱5.133-bilyong Malitubog-Maridagao Irrigation Project sa Barangay Villarica, Midsayap sa North Cotabato.

As of March 2024, umabot na aniya sa 99.56% ang overall physical accomplishment ng naturang proyekto na malapit nang mai-turnover sa farmer-beneficiaries.

Sakop ng proyekto ang nasa higit 9,000 ektarya ng lupaing sakahan sa Aleosan, North Cotabato, at sa mga bayan ng Pangalungan at Datu Montawal sa Maguindanao del Sur.

Aabot naman sa 4,043 ang bilang ng mga magsasakang inaasahang makikinabang sa proyekto.

Bukod naman dito, tina-target din ng NIA na ipatupad ang isa pang irrigation project sa isa pang bahagi ng Malitubog na nagkakahalaga ng higit dalawang bilyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: NIA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us