Sinuspinde na rin ng mga Lungsod ng Pasig, San Juan at Mandaluyong ang face-to-face classes ngayong araw.
Sa San Juan City, suspendido ngayong araw lamang ang face-to-face classes sa lahat ng pribado at pampublikong Paaralan.
Habang sa Mandaluyong City, mula ngayon hanggang bukas, Abril a-27 suspendido ang face-to-face classes sa kanilang lungsod.
Batay naman sa abiso ng Pasig LGU, public schools lamang sa ilalim ng K to 12 program ang suspendido ang face-to-face classes habang ipinauubaya na sa mga pribadong paaralan kung susundan ang nsasabing hakbang.
Dahil dito, pansamantalang lilipat sa online o asynchronous modes ang lahat ng paaralan sa lungsod na sakop ng suspensyon ng face-to-face classes. | ulat ni Jaymark Dagala