Base sa pinakahuling direktiba ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ngayong araw, April 25, 2024 hanggang sa Biyernes, April 26, 2024.
Ito ay base parin sa inaasahang mataas at mapanganib na heat index level ayon sa Las Piñas City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Payo ng pamahalaang lungsod na magsagawa muna ang mga paaralan ng online o asynchronous class upang hindi makapagliban ng klase.
Matatandaang suspendido din ang face-to-face klase sa Las piñas kahapon dahil pa rin sa matinding init ng panahon. | ulat ni Lorenz Tanjoco