Extended ang serbisyo ng mga Contract of Service at Job Order workers sa pamahalaan ng hanggang Disyembre 2025.
Base na din ito sa naging kautusann ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matalakay ang probisyon sa implementasyon ng COA-DBM Circular No. 2, na may pamagat na Updated Rules and Regulations Governing COS and JO workers in Government.
Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na makalikha ng ‘pool of government workers’ na kayang gawin ang trabaho sa pamahalaan at sa huli ay maging kwalipikado para sa plantilla positions.
Bahagi din ng naging diretktiba ng Chief Executive na magsagawa ng training para matulungan ang mga COS at JO workers na makapasa sa civil service examination.
Ang pasya ng Pangulo ay ginawa sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo kahapon (Abril 24) kasama Ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Interior and Local Government (DILG), Civil Service Commission at Commission on Audit. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PPA Pool