Bunsod ng patuloy na banta ng mas malalang nararamdamang init o Heat Index sa mga susunod na araw, pinahaba ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay ang suspensyon ng face-to-face classes ngayong araw (Abril 25) hanggang bukas, Biyernes (Abril 26).
Kabilang sa nasasakupan ng naturang kautusan ang lahat ng antas – mapa-pribado man o pampublikong paaralan.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 42 na inilabas ni Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano na kung papalo sa 42°C o higit pa ang temperatura ay pansamantalang isususpinde ang mga face-to-face classes sa lungsod.
Matatandaang base sa inilabas na Climate Heat Index forecast ng PAGASA-DOST, posibleng pumalo sa pinakamainit na 45°C o higit pa ang magiging init ng panahon sa NAIA Pasay, City ngayong Abril 25 hanggang 26.
Dahil dito, muling iminungkahi ng lokal na pamahalaan na gawin ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng online, modular o anumang alternatibo na nakabatay sa kakayahan ng mga paaralan, guro at mag-aaral. | ulat ni Lorenz Tanjoco