Kinumpirma ni Davao Oriental 2nd District Representative Cheeno Miguel Almario na kabilang ang bansang China na source-country ng mga recent cyber-attack sa mga bansa.
Ayon kay Almario, dahil sa ongoing investigation sa ngayon ay hindi siya pwede munang magsalita alang-alang sa national security.
Aniya, ang ilang cyber-attacks ay mula sa pinaghalong domestic at international attack, at hindi lahat aniya ay ginagawa ito para sa pera dahil may mga ilan na naghahangad lamang ng “prestige” o kasikatan na kaya nilang i-hack ang isang tanggapan o opisina.
Samantala, maituturing aniyang eye opener ang ginanap na committee hearing ng Information and Communications Technology at Committee on Public Information kaugnay sa usapin ng cyberattacks
Ipinaliwanag din ni Almario, na may iba’t ibang uri ng cyberattacks ay ilang upang magkapera sumikat at i-test ang vulnerability ng mga digital infrastructure sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes