Umabot sa 12.2 bilyong piso ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska ng pamahalaan mula Enero 1 hanggang Mayo 5 ng kasalukuyang taon.
Ito ang iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Fajardo, resulta ito ng 17, 099 anti-illegal drugs operation na isinagawa sa loob ng nabanggit na panahon, kung saan naaresto ang 20, 920 drug suspects.
Kabilang sa nakumpiska ng mga otoridad, ang shabu, marijuana,kush marijuana at cocaine.
Sinabi ni Fajardo na simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 1, 2022 , umabot na sa 33.2 bilyon na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad. | ulat ni Leo Sarne