Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang akusado sa kasong illegal detention for ransom na isinampa ng TV host at actor na si Vhong Navarro.
Ayon sa NBI, sumuko sa kanilang tanggapan sa Quezon City si Ferdinand Guerrero. Kasama ni Guerrero ang kanyang abogado.
Sumuko si Gurrerro ilang araw matapos hatulang guilty ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 ang mga akusado.
Kabilang sa mga na-convict ang negosyanteng si Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz.
Hinatulan sila ng korte ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakabilanggo. | ulat ni Nimfa Asuncion