Inanunsyo ni PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil na nagsuko na ng limang armas ang kampo ng puganteng si Pastor Apolo Quiboloy.
Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Marbil na isinuko ngayong umaga lang ng kampo ni Quiboloy ang limang baril sa Regional Mobile Security Unit 11 sa Police Regional Office 11.
Nagsuko ng armas ang kampo ni Quiboloy matapos itong bawian ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF) ng Firearms and Explosives Office (FEO).
Samantala, sinabi ni Marbil na may commitment na rin ang kampo ni Quiboloy na magsusuko ito ng iba pang mga armas na kanyang pagmamay-ari.
Nabatid na base sa record ng FEO, 19 na mga baril ang nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy. | ulat ni Leo Sarne