Aabot sa mahigit 2 libong motorista ang nasita ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Ito’y sa kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagbawal ang paggamit ng sirena, blinker at iba pang flashing device.
Batay sa datos ng PNP-HPG nitong buwan ng Abril, nasa 2,131 na mga motorista ang nasita dahil sa paggamit ng unauthorized accessories.
Kasama na sa naturang bilang ang mga sibilyan, opisyal ng Pamahalaan gayundin ang mga VIP na hindi naman awtorisadong gumamit nito.
Para sa unang pagglabag, kinumpiska lang ang mga blinker, sirena at ibang flashing device ng mga motorista.
Wala naman umanong nagmatigas sa kanilang paninita kung saan pinakarami sa mga violator na kanilang naitala ay galing sa Region 7, Region 6 at Region 5. | ulat ni Jaymark Dagala