Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na hindi gaanong apektado ang produksyon ng agrikultura sa kabila ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ito ang sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa sa isang panayam ngayong hapon.
Ayon kay Asec. De Mesa, prayoridad ng DA ang paglilikas sa mga tao at ng mga hayop na nasa paligid ng Bulkang Kanlaon.
Sa ngayon, mayroon nang dalawang animal evacuation centers ang binuksan sa Negros Oriental partikular sa mga Barangay Panubigan at Linothangan.
Patuloy din ang pangangalap ng datos ng DA mula Regional Office 6 at 7 at kaugnay sa lawak ng pinsala partikular na sa mga high value crop at livestock.
Tiniyak naman ng DA ang tulong para sa mga apektadong magsasaka gaya ng pagbibigay ng binhi at ibang tulong mula sa Quick Response Fund ng ahensya. | ulat ni Diane Lear