Pursigido si Senador Sherwin Gatchalian na kumbinsihin ang mga kapwa niya miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na patalsikin na sa kanilang partido si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ibinahagi ni Gatchalian na nakausap na niya kahapon si Senadora Loren Legarda, na miyembro rin ng NPC, at maging ito ay naniniwalang dapat nang maalis sa NPC si Guo.
Giit ng senador, dapat mapanatili ang integridad ng kanilang partido at hindi magandang halimbawa sa mga kasalukuyan at mga magiging miyembro pa ng NPC si Guo.
Sinabi rin ng mga mambabatas na sa mga susunod na linggo, kapag nag -convene na ang leadership meeting ng NPC, ay ilalatag nila ang suhestiyong ito.
Gagamitin aniya ng mambabatas ang mga nakalap nila sa mga naging imbestigasyon sa Senate bilang basehan para sa expulsion ni Guo sa NPC.
Tumakbo bilang independent candidate si Mayor Guo noong 2022 elections pero matapos itong manalo bilang alkalde ng Bamban ay saka ito nanumpa bilang miyembro ng NPC. | ulat ni Nimfa Asuncion