Naghahanda na ngayong umaga ang tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA) para sa paglulunsad nito ng ₱29 program ng Department of Agricutlrue (DA).
Ito ay sa ilalim ng isinulong ni NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen na Rice Contract Farming, kung saan sinuportahan ng ahensya ang magsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pagbebenta ng mga ani.
Ayon sa NIA, bahagi ito ng kanilang suporta sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura.
Nakatakdang pangunahan nina NIA Administrator Eduardo Guillen at House Speaker Martin Romualdez ang ceremonial launching ng ₱29 mamayang alas-9 ng umaga.
Sa covered court ng NIA, nakasalansan na rin ang tig-sampung kilong bigas na ibebenta ng ₱29 kada kilo.
Bubuksan ito hindi lang sa senior citizens, solo parents, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kundi pati sa middle income families.
Bukod naman sa NIA sa Quezon City, lalarga na rin ang ₱29 sa iba pang tanggapan ng NIA gaya sa CALABARZON. | ulat ni Merry Ann Bastasa