BFAR, naghahanap na ng mga alternatibong pangisdaan sa mga lugar na apektado ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinaiiwas ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga isda na mula sa mga lugar na apektado ng oil slick para maiwasan ang food poisoning.

Sa inilabas na Bataan Oil Spill Bulletin No. 3, sinabi ng DA-BFAR na tinitingnan na nila ang ilang “alternative areas” na pwedeng pangisdaan habang patuloy na nireresolba ang problema sa tumagas sa langis sa mga karagatan ng Bataan at Cavite.

Malapit na ring mamahagi ang BFAR ng fuel subsidies at dagdag na food packs at relief packages sa mga mangingisda na apektado ng oil spill ang kabuhayan.

Tuloy-tuloy naman ang monitoring at koordinasyon ng BFAR sa mga apektadong LGU at nagsasagawa na rin ng clean-up operations at paglalagay ng oil spill boom gamit ang nets at coco fiber.

Nakikipag-ugnayan na rin ang BFAR sa Provincial Local Government Units at Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) para mapabilis ang early recovery program sa mga apektado ng oil spill.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us