Emergency procurement ng ASF vaccines, ikinakasa na ng DA kasunod ng naitalang outbreak sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa agarang pagtugon sa naiulat na African Swine Fever (ASF) outbreak sa ilang lugar sa Batangas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inihahanda na ngayon ang emergency procurement ng ASF vaccines para malutas ang sitwasyon.

Hindi bababa sa 10,000 doses ng ASF vaccines ang ikinukonsiderang bilhin ng DA.

Sa ilalim ng emergency procurement, mapapaikli sa dalawang linggo ang purchase period ng bakuna.

Sisimulan na aniya ng Bids and Awards Committee at Bureau of Animal Industry ang pagbalangkas ng resolusyon para sa emergency procurement process.

Sinabi naman ng kalihim na makatutulong kung magdedeklara ng State of Emergency ang mga apektadong munisipalidad para agad makapaglabas ng pondo ang DA sa pagbili ng bakuna.

Bukod sa bakuna, magpapadala na aniya ang DA ng industrial lime para sa mga lugar kung saan nailibing ang apektadong baboy.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para magpatupad ng checkpoints at maiwasan ang pagkalat ng ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us