Murang bigas sa ilalim ng Rice-for-All Program ng DA, mabibili na sa mas maraming KADIWA sites

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula ngayong araw, ay mas marami pang KADIWA sites ang magkakaroon ng bentahan ng murang bigas sa ilalim ng Rice-For-All Program.

Nasa ₱45 ang bentahan dito ng kada kilo ng well milled rice na hiwalay pang programa sa ₱29.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, magiging available na rin ngayong linggo ang mas murang bigas sa mga sumusunod na KADIWA sites:

📍 QUEZON CITY (Fri-Sat)
– Bureau of Animal Industry, Visayas Avenue, Brgy. Vasra

📍 MANILA (Fri-Sat)
– Bureau of Plant Industry, San Andres St., Brgy. 706, Malate

📍 LAS PINAS (Thu-Sat)
– PhilFIDA Compound, Aria St., Brgy. Talon Dos

📍 MARIKINA (Thu-Sat)
-New Sibol Market, Kabayani Road, Brgy. Jackfruit
– Concepcion One Barangay Hall, Molave St.

📍 VALENZUELA (Thu-Sun)
– NHA Disiplina Village Phase 1, Brgy. Ugong

📍 NAVOTAS (Thu-Sat)
Navotas City Hall Sports Complex

📍 MALABON (Thu-Sun)
Fisherfolks Consumer Cooperative (PFCC), 18 Tuazon Ave., Barangay Potrero

Hanggang 25 kilos ang limit na maaring bilhing bigas ng mga mamimili sa ilalim ng Rice-For-All.

Bukod din sa bigas, makakabili ang publiko ng iba pang agri-fishery products gaya ng manok, gulay, at isda na mas mura kumpara sa palengke.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us