Nawalang kita ng mga mangingisda kasunod ng Bataan oil spill, umabot na sa higit ₱78-M

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa ₱78.69-million ang nawalang kita ng mga mangingisda kasunod ng ipinatupad na fishing ban sa mga karagatang apektado ng oil spill sa Bataan.

Batay sa inilabas na incident report ng Department of Agriculture (DA), nasa higit 28,000 na ring mangingisda ang na-validate na apektado ng malawakang pagtagas ng langis sa karagatan bahagi ng Bataan, na umabot na sa Ternate, Tanza, Noveleta, at Rosario sa Cavite.

May katumbas itong 5,810 na apektadong bangkang pangisda.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na koordinasyon ng DA sa mga LGU at iba pang government agencies para agad matugunan ang oil spill.

Kabilang pa rin dito ang coastal clean-up at monitoring, pagbuo ng mga spill boom, at sensory evaluation (Organoleptic Test) sa mga nahuhuling isda.

Inihahanda na rin ng DA ang fuel subsidy at mga ipapamahaging seedlings at fiberglass boats sa mga mangingisda sa lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us