Nananatiling mababa ang presyuhan ng bigas sa Marikina City Public Market.
Katunayan ayon sa ilang may-ari ng bigasan, bumaba pa nga ng ₱1 hanggang ₱2 ang kada kilo ng bigas ngayong linggong ito.
Pinakamurang bigas na mabibili rito ay nagkakahalaga ng ₱46 kada kilo habang nasa ₱66 hanggang ₱80 naman ang kada kilo ng pinakamahal na klase.
Umaasa naman ang mga mamimili na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga susunod na buwan kasunod na rin ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) dahil sa pag-iral ng tapyas sa taripa.
Samantala, bukas na simula ngayong araw ang KADIWA sa Bagong SIbol Market sa Brgy. Nangka sa Marikina City.
Dito ay may mabibiling ₱29 na kada kilo ng bigas para sa mga nasa vulnerable sector gaya ng Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), at Solo Parents. | ulat ni Jaymark Dagala