Nakapag-secure ang Department of Finance (DoF) ng financing mula International Fund for Agricultural Development (IFAD) para sa proyekto na pakikinabangan ng mga agrarian reform communites sa SOCCSKSARGEN.
Ang proyekto na naglalayong suportahan ang 86 agrarian reform communities in South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City at Cordillera Administrative Region (CAR).
Layon nitong labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng Value Chain Innovation for Sustainable Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA).
Ang kasunduan ay nilagdaan nila DoF Secretary Ralph Recto at IFAD Country Director Umit Mansiz.
Ang VISTA project ay nagkakahalaga ng PHP 6.23 billion, kung saan ang P4.69 billion ay popondohan ng IFAD.
Ayon kay Recto, ang proyekto ay maghahatid ng mas maraming trabaho at negosyo, dagdag na kita, mas matibay na proteksyon laban sa climate change, at mas maginhawang buhay para sa ating mga kababayan sa SOCCSKSARGEN.| ulat ni Melany V. Reyes