Ilang kalsada sa Caloocan, isasara bilang paghahanda sa Bonifacio Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU, bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa paggunita nito ng Bonifacio Day, bukas, November 30.

Batay sa traffic advisory nito, simula mamayang 11:00 PM ay isasara na muna sa mga motorista ang EDSA Southbound Lane patungong Balintawak, EDSA patungong MacArthur Highway, MacArthur Highway papasok ng EDSA at MacArthur Highway pa-Maynila.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang dumaan na muna sa mga alternatibong ruta.

Ayon sa Caloocan LGU, muling bubuksan ang mga isinaradong kalsada dakong 11:00 AM ng November 30, 2024.| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us