Putol na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley region dahil sa bagyong Nika.
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), apektado ng bagyo ang Santiago-Cauayan 69kV line kaya maraming customer ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO I, Quirino Electric Coop at Ifugao Electric Coop ay nakakaranas na ng kawalan ng suplay ng kuryente sa ngayon.
Tiniyak naman ng NGCP, na agad itong magsasagawa ng inspeksyon at restoration activities sa oras na humupa na ang mga pag-ulan.
Nananatili ring nakaalerto ang kumpanya hangga’t nananatili pa sa loob ng bansa ang bagyong Nika. | ulat ni Merry Ann Bastasa