P10k financial assistance kada pamilya ipinaabot ng pamahalaan sa bawat pamilyang nasunugan mula sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila
Pinaabot ng pamahalaan ang P10,000 na tulong pinansyal kada pamilya sa mga residente ng Isla Putingbato sa Tondo, Maynila na naapektuhan ng sunog nitong nakaraang Linggo.
Ang nasabing pamamahagi ay kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga evacuees, sa Delpan Evacuation Center at sa Rasauro Almario Elementary School, kung saan kanyang personal na kinamusta ang sitwasyon ng mga residente.
Bukod sa pinansyal na ayuda, nagbigay din ng food packs, sleeping mats, at blankets para sa 2,100 pamilyang naapektuhan ng sunog.
Ipinaabot naman ng mga residente ng Islang Putingbato ang kanilang pasasalamat sa Pangulo, at sa pamahalaan para sa tulong na ipinaabot sa kanila ngayong Sabado. | ulat ni EJ Lazaro