P20.5 Million halaga ng Shabu, nakumpiska ng PNP, PDEA sa Cebu City

Facebook
Twitter
LinkedIn
PNP PDEA

Aabot sa P20.536 million halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Tejero, Cebu City.

Kasabay nito ang pagkaaresto sa mag-live in partner na sina Joana Gallado at Raymund Jorge.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 3,020 gramo ng pinaghihinalaang shabu , buy bust money, at iba pang paraphernalia.

Nauna rito ang pagkaaresto din sa isang high value target sa Mabalacat, Pampanga.

Nadakip si alias “Tolang,” sa Barangay Dau, matapos ang isinagawang buy bust operation ng PDEA at PNP.

Inihahanda na ng mga otoridad ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte na walang kaukulang piyansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us