Ipinagtataka ngayon ni House Blue Ribbon Committee Chair Joel Chua ang biglaang pag-representa ni Vice President Sara Duterte, bilang legal counsel ni Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ng Office of the Vice President.
Nang isilbi kasi ang atas ng komite na ilipat ng pasilidad si Lopez ay sinubukan itong harangin ng bise at iprinisenta ang sarili bilang abogado ni Lopez.
Sabi ni Chua, batay sa saligang batas ang presidente, bise presidente at miyembro ng gabinete ay hindi pinapayagang i-practice ang kanilang mga propesyon.
Habang limitadong practice naman ang mga miyembro ng Kongreso.
Kaya hindi maintindihan ni Chua kung paano mag aabogado ang bise para sa kaniyang chief of staff. | ulat ni Kathleen Forbes