Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tutulak papuntang UAE para sa isang araw na working visit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Chief Executive, agad ding babalik ng bansa sa gitna ng pagnanais na matutukan ng personal ang patuloy na hakbang ng pamahalaan para maiabot ang tulong sa mga nabiktima ng nagdaang mga kalamidad.

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Ferdinand R.. Marcos Jr. sa United Arab Emirates para sa isang araw na working visit.

Bahagi ng working visit ng Pangulo sa Martes ang pakikipag-pulong kay UAE President His Highness Sheik Mohammed Bin Zayed Al Nahyan.

Inaasahan na ilang kasunduan ang malalagdaan sa pagpupulong ng dalawang lider.

Sa pagkikita din ay inaasahang ipapaabot ni Pangulong Marcos ang pasasalamat nito sa hari ng UAE dahil sa tiwala, respeto, at kabutihang iginagawad ng kanilang pamahalaan sa mga manggagawang Pinoy.

Kalakip din naman sa inilabas na statement ng Pangulo ang paumanhin nito sa mga Pinoy sa UAE dahil sa agaran din nitong gagawing pagbabalik sa bansa.

Ayon sa Pangulo, kailangan niyang bumalik agad mula UAE, gayung marami pang dapat asikasuhin at gawin kaugnay ng patuloy na ginagawang pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng mga nasalanta nating kababayan ng sunud-sunod na mga bagyo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us